Karayom

Nitong mga nakaraang araw, parang hindi maganda ang aking pakiramdam. Palaging bumibilis ang tibok ng puso ko ng wala namang dahilan. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko rin ay meron akong trangkaso, pero ayos naman ang temperature ko. Hindi ko alam kung posible ang ganoong sitwasyon. Kakaiba ito e. Para akong kinakabahan na naeexcite na ewan.

Sabi ng mga kaklase ko, magpatingin na raw ako sa doktor. Natatawa nga ako e. Ayoko kasing pumupunta sa mga ospital at mga health center. Feeling ko kasi pagdating doon, bigla ko na lang malalaman na meron akong ganito at meron akong ganyan. Tapos, sasabihin ng doktor na: "kailangan mong magpakuha ng CBC", ii, katakot.

Isang beses pa lang akong nakukuhanan ng dugo, at iyon nga ay nung nagpa-CBC ako. Grabe, sa ring finger ako kinuhanan. Pinilit ko ang nanay ko na huwag na akong pakuhanan dahil ayos na ako. Kung talagang low-blood ako, edi iinom na lang ako ng sangkatutak na Ferrous Sulfate. Pero mahina ata ang convincing powers ko noong mga panahon na iyon dahil hindi nya ako pinayagan.

Pagpasok ko sa lab room, super kabado ako. Malamig pa sa loob ng room kaya halos manginig na ako. Tinanong ko iyung nurse [nurse ata siya] kung masakit ba. Sabi nya sa akin, hindi naman daw. Halos kulang nalang ay magmakaawa ako sa kanya na huwag na nyang ituloy. Sabi ko kasi takot ako sa mga karayom. Pero ang kulit nya, "hindi ito masakit, hindi ito masakit" -- puro iyun na lang ang narinig ko sa kanya. Biniro ko na nga siya na may phobia ako sa karayom, wa epek pa rin. Nung kukuhanan na nya ako, hinila ko uli iyung kamay ko. Biniro ko uli sya na hindi ko na kukunin yung bayad kahit hindi na nya ako makuhanan. Tumawa naman ang loka. Pero hindi daw pwede. Sabi nya lumingon na lang daw ako at huwag ko ng tignan para mabawasan ang sakit. At inuto pa ako ni ate. Nagpauto naman ako. Pero nung lilingon palang ako, bigla na nya agad tinusok yung karayom! Medyo napasigaw ako sa sakit. Sinungaling na ate, sabi mo hindi masakit..

Mahigit isang linggo kong ininda ang sakit ng daliri ko. Kaawa-awang daliri. Sobrang pam-bu-bully ang dinanas nya. Sa tuwing inaalala ko noon ang mga nangyari, palagi akong naiiyak. Mahina kasi ang pain tolerance ko. Physical, I mean.

Maraming beses na akong tumakas sa mga injection injection na yan. Grabe, dahil sa takot ko sa mga tusok tusok, pati blood type ko hindi ko alam. Pero hindi na ako masyadong interesadong malaman kung ganun lang ang tanging paraan. Pag may mga fields akong kailangang i-fill-up, type O na lang ang lagi kong sinusulat. Kung saka-sakaling kailangan kong mag-pakuha ng dugo, papayag na lang ako kapag wala akong malay habang kinukuhanan. XD

0 comments:

Post a Comment

About this blog

Blog Archive